ABS-CBN Unofficial Board
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Congrats Roxanne Guinoo on her upcoming wedding!

Go down

Congrats Roxanne Guinoo on her upcoming wedding! Empty Congrats Roxanne Guinoo on her upcoming wedding!

Post by TFC Godfather February 18th 2010, 2:05 pm

Roxanne Guinoo plans to get married next year
by Bernie Franco | February 18, 2010 11:06 AM | Share this article
Congrats Roxanne Guinoo on her upcoming wedding! 021810-roxanne
Inanunsyo ng King of Talk na si Boy Abunda sa February 16 episode ng SNN na mag-aasawa na ang aktres na si Roxanne Guinoo early next year. “She’s very special, very close to my heart dahil si Roxanne po ay nanggaling sa Star Circle Quest kung saan tayo ay bahagi po ng contest na ito,” paliwanag ni Boy. Sa nasabing reality-based talent search ay isa sa mga resident judges si Boy at kung saan naging second runner-up si Roxanne habang sina Sandara Park at Hero Angeles ang naging first runner-up at Grand Questor, respectively.

“Masayang-masaya po ako na ibahagi po itong si Roxanne po ay magpapakasal at ang aking balita po ay ang kasal ay magaganap early next year,” dagdag ni Boy. Hindi raw pwedeng magpakasal ngayong taon si Roxanne dahil ikinasal kasi ang kanyang kapatid ngayong taon.

Dagdag pa ni Boy, handa raw umano itong si Roxanne at ang kanyang non-showbiz boyfriend para sa tahimik na buhay. Nanawagan din ang host sa aktres upang ma-interview ito at malaman ang kanyang mga susunod na plano.

Matatandaang unang inialok kay Roxanne ang afternoon soap na Magkano Ang Iyong Dangal subalit tinanggihan niya ito dahil hindi na umano pwede sa kanya ang paggawa ng sexy roles bilang respeto raw sa kanyang boyfriend. Si Bangs Garcia, na coincidentally ay naging karibal umano niya kay Jake Cuenca na dati nilang naging leading man, ang siyang pumalit sa kanya bilang bida sa nasabing serye.
TFC Godfather
TFC Godfather
Admin

Posts : 232
Join date : 2010-02-06
Age : 112
Location : Kalibo, Aklan & NY

https://www.facebook.com/tfcgodfather

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum