Showbiz News Ngayon (OT)

Go down

Showbiz News Ngayon (OT)

Post by TFC Godfather on February 10th 2010, 5:59 am

Talk about it right here.
TFC Godfather
TFC Godfather
Admin

Posts : 232
Join date : 2010-02-06
Age : 107
Location : Kalibo, Aklan & NY

https://www.facebook.com/tfcgodfather

Back to top Go down

Re: Showbiz News Ngayon (OT)

Post by TFC Godfather on March 1st 2010, 7:43 am

Kris Aquino takes a leave of absence from SNN
by Bernie Franco | March 01, 2010 12:18 AM |



Matapos ang aksidenteng natamo ni Kris Aquino noong nakaraang linggo ay ibinalitang bibitiwan muna ng Queen of all Media ang Showbiz News Ngayon o SNN hanggang sa matapos ang eleksyon. Isa umano sa mga na-realize ni Kris sa pagkakabagok ng kanyang ulo habang nagsa-shower ay ang pag-iingat sa kalusugan. “So now na-realize ko life needs a balance. It’s not like kumonti ang work ko it’s just na inaalay ko sa pamilya ko kasi kailangan ako ng pamilya ngayon.” Apat ngayon ang shows ni Kris at araw-araw siyang nagtatrabaho. “Kulang na kulang talaga ang pahinga,” kuwento ng actress-host. Bukod sa SNN, host din si Kris sa The Buzz, judge sa Pilipinas Got Talent at kasama sa cast ng teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo.

Nakakatawang ibinahagi rin ni Kris na iminungkahi pa ng kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Viel at Pinky na patayin na lang ang character ni Kris bilang si Celine sa Kung Tayo’y Magkakalayo at ituloy na lang ang SNN. Ipinaliwanag naman ni Kris sa kanila na hindi naman ganun kadaling gawin ang mungkahi. Nagbiro rin si Kris na sulit naman umano ang pagkakaaksidente niya dahil sa napakalakas na good feedback na nakukuha ng Pilipinas Got Talent dahil sa show na ito umano siya sobrang napagod.

Dagdag pa niya, kailangan niyang tulungan ang kanyang kuya, si Sen. Noynoy Aquino sa pangangampanya sa pagka-presidente. “Marami kasi ang request na umikot ako kasama ang kapatid ko pero andami kong tinatanggihan kasi we are (doing programs) live. But I made him a promise that on the third week of March, right before Holy Week, Tuesday, Thursday and Saturday iikot ako,” pagbubunyag ni Kris sa The Buzz kahapon. “Minsan lang magiging presidente (si Noynoy if ever manalo) so dapat samahan ko siya.”

For the meantime, ang hahalili muna kay Kris sa SNN ay sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez hanggang sa matapos ang eleksyon.

________________________________________
TFC Godfather
TFC Godfather
Admin

Posts : 232
Join date : 2010-02-06
Age : 107
Location : Kalibo, Aklan & NY

https://www.facebook.com/tfcgodfather

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum